Aabot sa mahigit P2M ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog sa apat na bahay sa bayan ng Baggao, Cagayan.
Ayon kay SFO1 Maila Zara Malamug ng BFP Baggao, tatlo sa mga bahay ay gawa sa light materials habang ang isa ay kongretong bahay
Ang mga bahay na gawa sa light materials ay pagmamay- ari nina Dominador Soriaga, Lucia Zorilla, Risario Reyes habang ang kongretong bahay ay pag-aari naman ni Ranchie Reyes at silang lahat ay magkakamag-anak.
Nagmula aniya ang sunog sa bahay ni Soriaga kung saan mabilis namang kumalat kayat nadamay ang mga katabi nitong bahay.
Bukod sa BFP Sub-Station Baggao, kasama rin sa mga rumesponde ang BFP Baggao Main, BFP Gattaran, BFP Amulung at maging ang mga residenteng nagsagawa ng bucket brigade.
Nangyari ang sunog bandang alas otso ng umaga ng Hunyo 15 at idinekalara namang fire out pasado alas diyes na ng umaga.
Sinabi ni Malamug na wala namang residenteng nasaktan sa nasabing insidente.