
Lalo pang humina ang piso kontra dulyar sa P60.4, sa pagbubukas ng trading kaninang umaga, kung saan ito ang kauna-unahan kasabay ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis sa gitna ng patuloy na kaguluhan sa Middle East, at nagbanta ang Iran na aatakehin ang oil at gas targets sa Gulf matapos na tamaan ng bomba ang isa sa kanilang gas deposits.
Ito ay matapos na tumaas ang benchmark Brent crude prices ng nasa 5 percent sa $108 matapos na matamaan ang Pars gas field, ang Iranian sector ng world’s natural gas deposit kasama ang Qatar sa Gulf.
Kasunod nito, naglabas ang Iran ng listahan ng prominenteng oil at gas targets ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, at Qatar, na sinabing ang mga ito ay direkta at lehitimong targets.
Nagbabala ang local economists na magreresulta ang mas mataas na presyo ng krudo sa mas mataas na inflation at magpapabagal sa paglago ng ekonomiya.
Ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DepDev), posibleng umabot sa hanggang 7 percent ang inflation kung patuloy at magtatagal ang kaguluhan sa Middle East.










