

TUGUEGARAO CITY- Epektibo na ngayong araw na ito ang piso na provisional increase sa singil sa pasahe sa tricycle ngayong araw na ito, March 14, 2022.
Sinabi ni Vice Mayor Bienvenido De Guzman, inaprubahan sangguniang panlungsod ng Tuguegarao sa ilalim ng suspended rules ang kahilingan ng mga tricycle drivers and operators na dagdag-singil sa pasahe bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ipinaliwanag ni De Guzman na ang inaprubahan na dagdag na piso sa pasahe ay pansamantala lamang habang hindi pa dinidinig ang petisyon ng mga tricycle drivers and operators na dalawa hanggang tatlong piso na dagdag sa pasahe.
Sinabi ni De Guzman na magkakaroon ng public hearing sa Linggo March 20 sa People’s gym para talakayin ang nasabing petisyon.










