Nananatili sa ₱64 level ang palitan ng Philippine peso laban sa US dollar ngayong Miyerkules, October 28, matapos magbukas sa ₱64.08 kada dolyar.

Batay sa datos ng Bankers Association of the Philippines (BAP), umabot sa ₱64.18 kada dolyar ang pinakamahinang antas ng piso sa trading ngayong umaga, batay sa datos bago magtanghali.

Bahagya itong mas mababa sa ₱64.20 na pinakamahinang intraday level na naitala kahapon, October 27.

Mababatid na nagsara ang piso kahapon sa panibagong all-time low na ₱64.17 kada dolyar, mas mahina ng 22 sentimos kumpara sa ₱63.95 noong Lunes.

Ikaapat na sunod na trading day na kahapon na nagtala ng panibagong record-low closing rate ang piso, matapos ang ₱63.52 noong October 22, ₱63.615 noong October 23 at ₱63.95 noong October 26.

-- ADVERTISEMENT --

Mamayang hapon pa inaasahang ilalabas ang opisyal na closing rate upang matukoy kung magtatala ang piso ng ikalimang sunod na trading day na may panibagong record low.