Naibenta sa €1.69m o mahigit P1 billion sa auction ang mga pistola na pagmamay-ari ni French emperor Napoleon Bonaparte, na minsan ay ginamit niya sa tangka na pagkitil sa kanyang buhay kasunod ng kanyang pagbagsak noong 1814.

Naibenta ang mga ito sa Osenat auction.

Ang pagpapasubasta sa mga nasabing pistola ay matapos na ituring ng culture ministry ng France ang mga ito na national treasures at bawal na i-export.

Ibig sabihin, may 30 buwan ang French Government na magtakda ng presyo sa bagong may-ari, na hindi pinangalanan.

Nangangahulugan din na maaaring ilabas pansamantala sa labas ng France ang mga pistola.

-- ADVERTISEMENT --

Ang nasabing mga baril ay may ginto at pilak, at tampok ang ukit na imahe mismo ni Napoleon.

Sinasabing binalak ni Napoleon na gamitin ang nasabing mga baril para patayin ang kanyang sarili noong April 12, 1814 matapos ang pagkatalo ng kanyang army ng dayuhang tropa at isinuko ang kanyang kapangyarihan.

Subalit, tinanggal ng kanyang grand squire ang pulbura mula sa mga baril at uminom na lang ng lason si Napeleon subalit nakaligtas.

Bumalik sa kapangyarihan si Napoleon noong 1815 kasunod ng kanyang exile sa Mediterranean island ng Elba subalit natalo siya sa Battle of Waterloo.

Namatay siya noong 1821 sa isla ng St Helena sa South Atlantic.