TUGUEGARAO CITY- Nakiisa ang PISTON-Cagayan Valley sa tigil-pasada ngayong araw laban sa Jeepney Modernization Program.

Nagsagawa ng caravan ang iba’t ibang operators at drivers ng jeep sa Santiago City sa Isabela at nagtungo sa mga terminal para ipakita ang kanilang pagtutol sa nasabing programa.

Nilinaw ni Nelson Escalante, coordinator ng PISTON-Cagayan Valley na hindi sila tutol sa nasabing programa subalit hindi sila sang-ayon sa napakamahal na presyo ng jeep na ipapalit sa kanilang mga sasakyan.

ang tinig ni Escalante

Idinagdag pa ni Escalante na hindi sila natakot na sumama sa tigil-pasada sa kabila ng banta ng LTFRB na kakanselahin ang kanilang mga prangkisa.

Ayon sa kanya, itinuloy pa rin nila ang strike kahit na nakiusap sa kanila si LTFRB Region 2 Director Edward Cabase at ipinaliwanag ang layunin ng nasabing programa.

-- ADVERTISEMENT --
muli si Escalante

Gayonman, sinabi ni Escalante na hindi naman paralisado ang biyahe ng mga jeep dahil sa may iniwan silang mga jeep na masasakyan ng mga pasahero.