Pinasabog ng isang suicide bomber ang pampasabog na ikinabit sa kanyang katawan sa isang kasalan sa northwest Pakistan.

Ayon sa pulisya, pitong katao ang agad na namatay habang 25 ang nasugatan sa insidente.

Nangyari ang pag-atake sa bahay ni Noor Alam Mehsud, isang pro-government community leader sa Dera Ismail Khan, isang distrito sa probinsiya ng Khyber Pakhtunkhwa.

Sinabi ni local police chief Adnan Khan, dinala na ang mga namatay at mga sugatan sa ospital, kung saan ang ilan sa mga nasugatan ay nasa critical condition.

Ayon sa mga saksi, nagkakasiyahan ang mga bisita sa nasabing kasalan, nang pasabugin ng suicide bomber ang kanyang sarili.

-- ADVERTISEMENT --

Wala pang umaako ng responsibilidad sa nasabing pag-atake.

Gayunman, pinaghihinalaan ng mga awtoridad na kagagawan ito ng Pakistani Taliban, na kilalang Tehrik-e-Taliban Pakistan o TTP na nagsagawa ng maraming pag-atake sa bansa sa mga nakalipas na taon.

Hiwalay subalit kaalyado ng grupo ang Afghan Taliban.