Aabot sa 120 bags ng pekeng binhi ng mais ang nakumpiska ng mga otoridad na idineliver sa isang warehouse sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Ayon kay PCAPT Redentor Cagurangan, Deputy Chief of Police ng PNP Tumauini, dalawang uri ng binhi ang idineliver ng pitong suspek na kinabibilangan ng isang babae at anim na lalaki, pawang mula sa Quirino Province, sa warehouse ni Nora Anapi mula sa nasabing lugar.

Batay sa pagtaya ay aabot sa kabuuang P712, 400 ang halaga ng mga nakumpiskang mga pekeng binhi.

Sinabi ni Cagurangan na bago ang pagakakakumpiska sa mga pekeng binhi ay itinawag umano ni Anapi sa mga otoridad ang pagdating ng mga kahinahinalang binhi sa kanyang bodega.

Dahil dito at agad namang nakipag-ugnayan ang PNP sa Municipal Agriculture Office at sa isang pribadong kumpanya na nagsusupply ng kahalintulad na brand ng binhi at sa kanilang pagsusuri ay natukoy na peke ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

VC CAGURANGAN1

Natuklasan na ang mga pekeng binhi ay magkaiba ang packaging sa orihinal na ibinebenta ng otorisadong seller at maging ang laki ng butul nito habang kulay na pinkish ay iba hindi rin tugma sa darker na kulay ng orihinal na binhi.

Nabatid na galing din sa Quirino ang mga nakumpiskang binhi at sinabi ni Cagurangan na batay sa salaysa ng mga suspek ay napag-utusan lamang sila na ideliver ang mga ito.

Inihayag pa ni Cagurangan na habang isinasagawa ng mga otoridad ang operasyon laban sa mga suspek ay may mga magsasakang nakabili na ng binhi kay Anapi na nagtutungo sa warehouse nito ay nagrereklamo at ibinabalik ang kanilang mga binili.

Saad nito, binili ni Anapi sa supplier ang mga pekeng binhi sa halagang P4500 at ibinebenta naman nito sa mga magsasaka ng P5,500 at dahil sa reklamo naman ng mga una ng nakabili ay ibinabalik na lamang ni Anapi ang pera na pinambili ng mga ito.

Nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 7394 o The Consumer Act of the Philippines ngunit ang mga ito ay pansamantala namang nakalaya matapos maglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng tig.P10,000.