Hinuli ang pitong katao dahil sa aktong pagsusugal sa bayan ng Amulung, Cagayan kahapon ng hapon.

Ayon kat PLT Rose Maribbay, deputy chief of police ng Amulung Police Station, isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant.

Ang mga nahuli ay anim na babae at isang lalaki na naglalaro ng “tong-its” na may taya.

Kabilang sa mga nakumpiskang ebidensya ang dalawang set ng ginamit na baraha, siyam na set ng hindi pa nagagamit na baraha, at halagang mahigit P8,000.

Sinabi ni Maribbay, sa pagtatanong sa mga nahuli, sinabi nila na libangan lang umano nila ang nasabing sugal.

-- ADVERTISEMENT --

Isinagawa ang pagdodokumento sa mga nasamsam na ebidensya sa mismong lugar ng insidente sa presensya ng mga suspek at mga barangay officials.

Ang mga suspek at ebidensya ay dinala sa Amulung Police Station para sa dokumentasyon at inihahanda na ang kaukulang reklamo laban sa mga ito.