
Patay ang pitong katao sa labanan sa Barangay Malinan, Kidapawan City, Cotabato, ayon sa Police Regional Office 12 (PRO 12).
Batay sa report, sinabi ng nakaligtas na pinagbabaril ng armadong kalalakihan ang kanilang grupo.
Ayon sa pulisya, ang pitong lalaki na namatay sa insidente ay pawang mga residente ng Cotabato City at tumira sa Kidapawan buhat noong August 8, 2025.
Sila umano ay miyembro ng faction ng Sema MNLF at MILF.
Hindi pa mabatid ng pulisya ang dahilan ng labanan.
Isinailalim sa interogasyon ng mga awtoridad ang mga miyembro ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front’s (MILF) Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities at Ad-Hoc Joint Action Group (CCCH-AHJAG) sa isinasagawang imbestigasyon.
Tinanong din ang biyuda ng isa sa mga biktima, community leaders, at Muslim leaders.
Sinabi ni Philippine Army spokesperson Colonel Louie Dema-ala, posibleng ang insidente ay may kaugnayan sa “rido” o away sa lupa.
Kaugnay nito, nasa 20 hanggang 40 na pamilya ang lumikas mula sa Barangay Estado sa Matalam.
Mahigpit na binabantayan ngayon ng mga awtoridad ang nasabing lugar, kung saan may itinalaga na dalawang tangke kasama ang tropa ng 602nd Infantry Brigade.
Samantala, naka-standy naman ang 1102nd Troops sa Kidapawan City bilang preventive measure.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung aling grupo ang sangkot sa komprontasyon sa pagitan ng MNLF at MILF factions.







