Patay ang pitong katao at lima ang nasugatan sa pamamaril sa isang bar sa southeastern Mexico.
Ayon sa mga awtoridad, nagsasagawa na ng manhunt sa mga sangkot sa nasabing pamamaril sa lungsod ng Villahermosa, sa Tabasco state.
Sinabi ng secretariat of security and civilian protection, tinitignan na rin ang video surveillance cameras at nagpadala na rin sila ng mga maghahanap sa kinaroroonan ng mga responsable sa pamamaril.
Ayon sa local media, pumasok ang hindi nakikilalang gunmen sa La Casita Azul at pinaputukan ang mga customer.
Matatandaan na anim katao ang nasawi sa isa pang pag-atake ng armadong grupo sa isa ring bar sa Villahermosa noong buwan ng Nobyembre ng 2024.
-- ADVERTISEMENT --