
Inakusahan ng interior minister ng Guatemala ang gangs sa pagpatay sa pitong pulis kahapon bilang ganti sa pagtanggi ng pamahalaan na ilipat ang gang leaders sa low-security prison.
Nangyari ang mga pagpatay sa kabisera ng Guatemala at sa palibot ng lugar isang araw matapos na gawing hostage ng gang-affiliated inmates sa tatlong bilangguan sa bansa.
Nakontrol ng pulisya ang isa sa mga bilangguan kahapon.
Sinabi ni Interior Minister Marco Antonio Villeda na nakakalungkot ang pagpatay sa pitong National Civil Police na inatake ng mga terorista.
Nasugatan din sa insidente ang 10 iba pang police officers, at isang pinaghihinalaang miyembro ng gang ang napatay.
Una rito, pinasok ng mga pulis at militar ang Renovacion I maximum-security prison ng madaling araw sa Escuintla, gamit ang armored vehicles at tear gas.
Matapos ang 15 minuto, nagawa nilang maibalik ang kontrol sa bilangguan at napalaya ang mga guwardiya na binihag ng mga miyembro ng gang.






