Arestado ang regional number 9 most wanted person at anim na iba pa kahapon sa isinagawang manhunt operation ng kapulisan ng Cagayan.
Una rito, boluntaryong sumuko ang number 9 most wanted person sa Tuguegarao Component City Police Station matapos niyang malaman na mayroon siyang warrant of arrest dahil sa kasong syndicated estafa na walang inirekomendang piyansa.
Naaresto naman si alyas Jessie sa Norzagaray, Bulacan ng kapulisan ng bayan ng Ballesteros dahil sa kasong 4 counts ng Act of Lasciviousness, at may inirekomendang piyansa na P180,000.
Isinilbi naman ng PNP Lasam ang warrant of arrest laban kay alyas Eric na nakakulong sa Caloocan City Jail sa kasong illegal recruitmnent.
Gayunman, mananatili ang akusado sa Caloocan City Jail.
Pang-apat na inaresto si alyas Jim, isang negosyante dahil sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code, pang-lima si alyas Norman, isa ring negosyante dahil sa kasong may kaugnayan sa paglabag sa Social Security Act of 2018, at ang pang-anim ay si alyas Polo, isang helper sa Magsingal, Ilocos Sur dahil sa kasong pagpatay na wala inirekomenda na piyansa, at pang-pito si Alyas Betty sa bayan ng Claveria dahil sa dalawang bilang ng libel.