Inihahanda na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang mga dokumentong kakailanganin para sa planong flood control project sa ilog Cagayan na popondohan ng Japan International Cooperating Agency (JICA)
Ito ay kasunod ng pagbisita sa lalawigan ng mga kinatawan mula JICA para sa presentasyon ng proyekto kay Governor Manuel Mamba.
Ayon kay Rueli Rapsing ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, kabilang sa naging suhestyon ni Mamba ang paglalagay ng opisina ng JICA at DPWH Central office sa lalawigan para mapabilis ang paghahanda sa mga kailangang dokumento.
Kinabibilangan ito ng Local Disaster Risk Reduction and Management Plan, contingency plan on flooding at marami pang iba na makakatulong para sa pagpaplano sa gagawing flood control project upang maiwasan o maibsan ang pagbaha sa lalawigan.