Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa harap ng ilang magsasaka sa San Ildefonso, Bulacan na patuloy na nagiisip ng paraan ang pamahalaan upang hindi sila malugi sa kanilang mga produkto.

Sa ugnayan ng Pangulo at mga magsasaka na inorganisa ng National Food Authority kaninang umaga, ipinaabot ng Pangulo sa mga ito na plano nilang magtakda ng floor price sa presyo ng palay.

Ipinunto ng Pangulo na kapag masyadong malikot ang presyo ng palay ay hindi nakakapag plano ng maganda, na umaabot pa sa nawawalan ng ganang magtanim ang mga magsasaka.

Tiniyak rin ng Pangulo na binabalanse nila ang presyo para sa mga mamimili sa palengke at ang buying price sa mga magsasaka, para parehong makinabang at hindi malugi.

Sa ngayon ang bili ng NFA sa fresh na palay ay 19pesos kada kilo habang 24pesos naman sa tuyong palay.

-- ADVERTISEMENT --

Mas mataas ito kumpara sa kuha ng mga trader na 16pesos lang ang kada kilo ng fresh na palay.