TUGUEGARAO CITY- Umaasa si Edelwina Valdez, researcher mula sa Southern Cagayan Research Center na sa wala pa silang sapat na planting materials na maaaring maibahagi sa mga magsasaka na interesado na magtanim ng strawberry.
Sinabi ni Valdez na ito ay matapos ang matagumpay na papanaliksik nila sa isang uri ng strawberry na kayang mabuhay sa mainit sa klima.
Ayon sa kanya, kailangan pa nilang maghanda ng maraming runners na maaaring maibahagi sa mga nagnanais na magtanim nito.
Kaugnay nito, sinabi ni Valdez na kung handa na ang planting materials para sa strawberry ay uunahin nilang magsagawa ng demo sa Iguig at susunod naman sa Claveria, Cagayan at sa Isabela.
Kasabay nito, sinabi ni Valdez na sana ay magtutuloy ang tagumpay ng kanilang research upang sa gayon ay makatulong sa mga nais na magtanim ng strawberry.
Ayon sa kanya, malaki ang kita sa pagtatanim sa strawberry na sa 1,000 sq ay maaaring kumita ng hanggang P70,000.