Naibaon na sa lupa ang isang dolphin na namatay dalawang araw pagkatapos narescue hanggang sa napadpad sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Max Prudencio, tagapagsalita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) RO2 na August 9 nang nakita at narescue ang balyena sa bayan ng Buguey na may habang 1.8 metro at tumitimbang ng hanggang 50 kilos.
Matapos nilapatan ng lunas ay ibinalik din ito sa dagat noong August 10 subalit natagpuan itong patay kinabukasan sa karagatang sakop ng Barangay Batangan, Gonzaga.
Batay sa pagsusuri, lumabas na nakakain ng malaki at matibay na plastic bag ang balyena na nagresulta sa pagkasugat ng kanyang bituka na hinihinalang sanhi ng paghina at pagkamatay nito.