Inaprubahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggamit ng mga plastic bottle waste bilang karagdagang kasangkapan sa paggawa ng mga national road projects.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, layon ng bagong patakaran na mas pagtibayin at pahabain pa ang lifespan ng mga aspalto habang binabawasan ang mga plastic na basura.
Maaalalang, kasunod ito ng naunang paggamit ng plastic bag waste (LDPE) sa mga kalsada noong 2024.
Inaasahan namang gagamitin na ito ng mga regional office at district engineering office ng DPWH sa mga susunod na proyekto sa buong bansa.