Sunod-sunod ang mga narecover na pinaniniwalaang shabu sa karagatan ng lalawigan ng Cagayan nitong nakalipas na linggo.
Sinabi ni PCAPT Shiela Joy Fronda, information officer ng PNP Cagayan, ang pinahuli na nakuha na white crystaline na nakabalot sa plastik at may magkakaparehong Chinese character na Cai Yun Li ay sa kagaratan sa pagitan ng bayan ng Abulug at Ballesteros kagabi.
Ayon kay Fronda, nakita ng isang mangingisda na palutang-lutang sa dagat ang nasabing plastik at nang buksan nito ay naglalaman ito ng white crystaline.
Dahil dito, agad niyang itinawag ito sa deputy chief of police ng PNP Abulug na kamag-anak niya upang ipaalam ang kanyang narecover.
Sinabi ni Fronda na agad na pumunta ang mga otoridad sa bahay ng mangingisda sa bayan ng Aparri para kunin ang nasabing bagay na dinala sa forensic unit ng PNP Region 2 para sa pagsusuri.
Matatandaan na nitong July 29 ay may nakuha ring katulad na bagay sa dalampasigan ng Sanchez Mira ng dalawang mangingisda, sumunod noong July 31 sa Fuga Island sa bayan ng Aparri na nakita rin ng isang mangingisda mula sa Calayan, at noong August 3 ay may nakuha din sa dagat ng Nagulian, Calayan at ang pinakahuli ay kagabi sa bayan ng Abulug.