Pinagsabihan Armed Forces of the Philippines ang Philippine Military Academy (PMA) cadet na humingi ng relo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa graduation rites noong buwan ng Mayo.
Nilinaw ni the Armed Forces of the Philippines spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa isang press briefing na hindi kinakailangan na ibigay ng Presidente ang kanyang relo sa miyembro ng graduating class.
Iginiit niya na hindi ito tradisyon sa PMA.
Ayon sa kanya, ito ay isolated incident, at sarado na ang nasabing kaso.
Sinabi ni Padilla, matagal nang pinagsabihan ang nasabing kadete bago pa man ang mga pahayag ni Vice President sara Duterte noong October 17 na tumanggi si Marcos na ibigay ang kanyang relo bilang graduation gift.
Sinabi ni Duterte na nagalit siya sa nasabing insidente at naisip niya na gusto niyang pugutan ng ulo si Marcos.
Ayon kay Padilla, pinagsabihan ang nasabing kadete at ngayon ay nagsisilbi na sa militar.
Noong 2019, ibinigay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang relo kay PMA cadet officer Alberto Julaquit sa commencement exercises sa Baguio City.