CTTO

TUGUEGARAO CITY- Inihatid na sa kanyang huling hantungan kanina ang mga labi ng PMA Cadet na namatay matapos malunod.

Napuno ng hinagpis ang libing ni Cadet 4th Class Mario Telan ng Divisoria, Enrile, Cagayan na dinaluhan ng kanyang mga kamag-anak, mga kaibigan at mga kamag-aral noong high school.

Samantala, una ng sinabi ni Ginang Edna Telan, ina ni kadete na ipauubaya na lamang niya sa PMA ang pagpapanagot sa dalawang swimming instructor ng kanyang anak dahil umano sa kapabayaan kaya nalunod ang kanyanga anak.

Una na ring sinabi ng PMA na walang foul play sa pagkamatay ni Telan bagamat nangako na mananagot ang dalawang swimming instructors.