Isiniwalat ni Executive Secretary Lucas Bersamin na si Police Major General Nicolas Torre III ang susunod na hepe ng Philippine National Police.

Papalitan ni Torre ang kasalukuyang PNP chief na si Police General Rommel Marbil, na pinalawig ang kanyang termino at nakatakdang magretiro sa June 7.

Matatandaan na noong buwan ng Pebrero ay pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang termino ni Marbil ng apat na buwan, na ,lagpas sa compulsory retirement age ng pulis na 56 taong gulang sa gitna na rin ng midterm elections.

Bago naging director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Torre, siya ay mas kilala sa pangunguna niya sa pag-aresto sa kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.

Kaugnay nito, sinabi ni Bersamin na limang pangalan ang pinagpilian ni Pangulong Marcos sa nasabing posisyon, subalit tumanggi siyang pangalanan ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --