Uupo na bilang bagong hepe ng Philippine National Police si Police Major General Nicolas Torre III matapos ang change of command ceremony sa Camp Crame kanina.
Pinalitan niya si Police General Rommel Marbil, na pinalawig ang kanyang termino hanggang June 7.
Si Torre bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nanguna sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte at ang pagbiyahe sa kanya sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands noong March 11 para harapin ang kasong crime against humanity.
Siya ang CIDG chief mula sa September 25, 2024 hanggang sa pagtalaga sa kanya bilang PNP chief.
Bilang Police Regional Office 11 (PRO 11) chief, pinangunahan ni Torre ang pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy noong September 8, 2024 sa Davao City dahil sa mga kasong human trafficking at sexual exploitation of minors.
Nagsilbi rin siyang Communications and Electronics Service director ng PNP mula April 3 hanggang June 17, 2024.
Naging hepe din siya ng Quezon City Police District mula August 8, 2022 hanggang August 30, 2023.
Si Torre ay 54 taong gulang na ngayon, natapos niya ang kanyang Bachelor of Science in Public Safety degree sa Philippine National Police Academy noong 1993.
Siya ay ipinanganak sa Jolo, Sulu.