TUGUEGARAO CITY- Inaalam ngayon ng PNP dito sa lalawigan ng Cagayan ang bilang ng mga casualty sa mga armadong grupo na nakasagupa ng pulisya sa Brgy. Mabuno,Gattaran kaninang umaga.
Naniniwala si PCOL. Ariel Quilang, director ng PNP Cagayan na may casualty sa panig ng pinaniniwalaang mga miembro NPA dahil sa mga bakas ng dugo sa pinangyarihan ng labanan.
Ayon sa opisyal, nasa 50 ang armadong grupo na nakasagupa ng mga pulis.
Ayon kay Quilang na magsisilbi sana ng warrant of arrest ang PNP laban sa isang agta na itinuturing na top most wanted person sa lalawigan nang makita nila ang armadong grupo kaya pinapatukan nila ang mga ito.
Gumanti ng putok ng baril ang mga armadong grupo kung saan tumagal ng 20 hanggang 30 minuto ang labanan.
-- ADVERTISEMENT --