
Nagsagawa ng High Command Conference ang Independent Commission for Infrastracture o ICI kasama ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensya ng pamahalaan sa loob ng Kampo Krame sa Quezon City.
Ang nasabing conference ay may layon na icoordinate at ivalidate ang kasalukuyang listahan ng mga pinaghihinalaang ghost projects.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, matatandaan na ang PNP at AFP ang nagsagawa ng inisyal na validation at nagbigay ng listahan sa mga nasabing maanomalyang proyekto.
Dahil dito ,inaasahan na tutulong ang dalawang ahensya na palakasin ang isasagawang mga imbestigasyon at intelligence efforts ng ICI at ng mga katuwang na ahensya nito.
Samantala, ipa-file na ng Ombudsman sa Sandiganbayan sa susunod na mga araw ang 2 kaso na isasampa sa mahigit apatnapu na sangkot sa mga maanomalyang proyekto.










