Inalerto ni PCOL Ariel Quilang, director ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang mga local chief of police at mobile force commanders kaugnay sa seguridad na ipatutupad sa pagsisimula ng tradisyunal na Simbang Gabi o Misa de Gallo, ngayong araw.

Kasabay nito, palalakasin ng PNP ang police visibility sa mga simbahan at mga places of convergence tulad ng mga bus, terminal, malls, pook pasyalan at iba pang matataong lugar sa lalawigan.

Tiniyak ni Quilang na sapat ang pitong bilang ng pulis na naideploy sa simbahan ng bawat munispiyo habang isang team sa Tuguegarao City Cathedral.

At para masigurong nagta-trabaho ng maayos ang mga pulis, sinabi ni Quilang ang pagkakaroon ng surprise inspection.

Pinayuhan din ni Quilang ang publiko na maging alerto at vigilante sa lahat ng oras upang hindi maisahan ng mga masasamang elemento.

-- ADVERTISEMENT --