Handa na ang seguridad na ipatutupad ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko na magtutungo sa sementeryo kaugnay sa paggunita ng Undas.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PCAPT Sharon Mallillin, tagapagsalita ng CPPO na nasa 629 na pwersa ng pulisya ang idedeploy sa 89 sementeryo sa lalawigan, terminal ng mga pampasaherong sasakyan at iba pang matataong lugar tulad ng mall.

Bukod pa ito sa 1,304 na magsisilbing force multiplier o karagdagang pwersa na magbabantay sa seguridad ng publiko.

Pinayuhan rin ni Mallillin ang publiko kaugnay sa mga ipinagbabawal dalhin sa sementeryo tulad ng baril, patalim o iba pang mga bagay na na matutulis, speakers, pagsusugal at pag-iinom.

Pinaalalahanan din nito ang publiko na maging vigilante at dapat aniyang matiyak na naka-lock ng maayos ang mga pinto ng bahay bago umalis.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, magsisimula ang full alert ng PNP sa bisperas ng Undas sa October 31 at inatasan na ang lahat ng mga pulis na bawal muna ang pagbabakasyon.

Dagdag pa ni Mallillin, isasagawa ang tatlong araw na linis puntod sa October 28 hanggang 29.