Tumutulong ngayon ang PNP Cavite sa search and rescue operation sa mga apektado ng Taal Volcanic eruption.

Sinabi ni PCol. Marlon Santos, director ng PNP Cavite na nagpadala ang kanilang gobernador ng mga sasakyan para sa nasabing operasyon.

Ayon sa kanya, may ilang taga- Batangas partilkular sa mga bayan ng Talisay, Agoncillo at Laurel ang dinala ng mga pulis sa Cavite.

Bukod dito, mayroon ding 55 evacuees ang Cavite na mula sa Sambong, Indang Cavite na malapit sa Tagaytay.

Sa ngayon aniya ay walang supply ng kuryente ang Tagaytay, ilang barangay sa Silang, Alfonso, Madeo at Mendez dahil na rin sa mga naranasang pagyanig bunga ng Taal volcanic eruption.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa ni Santos na bukas naman ang lahat ng mga lansangan papasok at palabas ng Cavite matapos ang isinagawang clearing operation sa ilang lansangan dahil na rin sa mga ashfall.