Pinuri at pinasalamatan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang pagsisikap ng pulisya sa rehiyon dos sa pagtataguyod ng kanilang mandato nang may integridad at propesyonalismo.

Itoy kasabay ng pagdiriwang sa ika-122 Police Service Anniversary kung saan nagsilbing Guest of Honor at Speaker si Acorda sa Police Regional Office 02.

Sa kanyang mensahe, binanggit ni Acorda na isang mapayapang lugar ang Cagayan Valley at bihira ang seryosong krimen na resulta ng maayos na pagpapatupad ng batas para sa kapayapaan at kaayusan.

Kabilang naman sa aktibidad ang pagbibigay ng pagkilala sa mga karapat-dapat na tauhan ng PNP personnel at mahuhusay na yunit sa rehiyon na nag-ambag ng malawak sa pag-angat ng PNP-PRO2.

Nagyong taon, kabilang sa mga individual awardees ay sina PCOL JULIO GOROSPE Jr at PCOL MARIO MALANA bilang Best Senior PCO for Operations; PLTCOL EUGENIO MALLILLIN, at PMAJ JOSEPH CURUGAN, Best Junior PCO for Operations; PSMS Gisela Ydel, at PCMS Dante Noblejas, Best Senior PNCO for Operations; PSSg Sheldimer Baltazar, at PCpl Francis Ikeal De Asis bilang Best Junior PNCO for Operations; NUP Noel Cuarteros, Best NUP (Supervisory Level) and NUP Cherry Ann GAzzingan, Best NUP (Non-Supervisory Level).

-- ADVERTISEMENT --

Para sa unit awards, itinanghal bilang Best Police Provincial Office ang Cagayan Police Plrovincial Office habang nakuha naman ng Santiago CPO, Santiago CMFC, Regional Mobile Force Battalion 2 at City of Ilagan ang Special Award.

Best City Police Station naman ang Ilagan City Police Station sa Isabela habang Best Municipal Police Station ang Aparri Police Station sa Cagayan at Best Mobile Force Company ang 2nd Cagayan PMFC.

Bukod sa pulisya, hinikayat at pinasalamatan rin ng PNP Chief ang publiko na ipagpatuloy ang suporta sa PNP lalo sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections para sa isang ligtas, mapayapa at maayos na halalan.

Ang kaganapan ay kinatampukan din ng pagpapasinaya ng bagong Regional Headquarters Building ng PRO-02 at groundbreaking ng Chief Regional Staff Headquarters.

Kasama rin sa ibinigay ng PNP Chief sa ibat ibang police stations sa rehiyon ang nasa 21 units ng patrol jeep single cab, tactical vest, enhanced combat helmet at iba pang kagamitan.

Ang tema ng ika-122 Police Anniversary ngayon taon ay ”Nagkakaisang Pulisya at Pamayanan tungo sa Mapayapa at Maunlad na bansa”

batay sa rekord ng National Historical Commission, ang Police Service bilang institusyon ay nagsimula ito sa Insular Police Force na binuo noong Agosto 8, 1901.