Binigyan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Marbil ang police units ng ultimatum sa pagbuwag sa mga active private armed groups (PAGs) o masisibak sila sa kanilang puwesto.

Ibinigay ni Marbil ang ultimatum matapos na iulat ng PNP ang monitoring nila sa tatlong aktibong PAGs at limang potential PAGs habang papalapit ang halalan sa buwan ng Mayo.

Sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo sa pulong balitaan, ang kanilang takot kung hindi malalansag ang PAGs, ay may posibilidad na gagamitin sila sa pangha-harass at pananakot hindi lamang sa mga kalaban nilang mga kandidato, kundi maging sa mga botante.

Ayon sa kanya, tukoy na ang tatlong aktibong PAGs at limang potential PAGs, kaya walang dahilan para hindi ito mabuwag ng field commanders, partikular ang kaukulang rehion at probinsiya.

Sinabi ni Fajardo, ang mga aktibong PAGs ay natukoy sa Central Luzon, Central Luzon at Zamboanga Peninsula.

-- ADVERTISEMENT --

Ang limang potential PAGs ay natukoy naman sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Eastern Visayas at Bangsamoro Administration Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Idinagdag ni Fajardo na magpapadala ang PNP ng karagdagang personnel sa mga natukoy na areas of concern para sa mas mahigpit na seguridad para sa halalan sa Mayo ngayong taon.