Hinimok ng liderato ng Philippine National Police (PNP) si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na kusang sumuko sa mga awtoridad kaugnay ng warrant of arrest laban sa kaniya mula sa International Criminal Court (ICC).
Ito’y matapos ibasura ng Korte Suprema ang hiling ni Dela Rosa para sa temporary restraining order (TRO).
Ayon kay Nartatez, bilang dating opisyal at dating hepe ng PNP, batid ni Dela Rosa ang tamang proseso at mas makabubuti kung kusa itong sumuko.
Dagdag pa niya, ang pagsuko umano ang pinaka-mapayapa at pinakamagandang paraan upang harapin ang kaso.
Una nang ipinakalat at pinakilos ang mga tracker teams para hanapin at isilbi ang senador.
Iginiit naman ng PNP Chief na isasagawa ang operasyon nang may maximum tolerance, propesyonalismo at paggalang sa human rights.
Binigyang-diin din niya na walang political bias ang pagpapatupad ng warrant at mahigpit na susundin ng PNP ang rule of law at police operational procedures.










