
Naglunsad ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng mga hotlines para sa mabilis na pag-aresto kay Atong Ang.
Kasunod ito ng anunsyo mula kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na 10 milyong pisong reward sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Ang na pangunahing akusado sa Kidnapping with Homicide, at Kidnapping and Serious Illegal Detention cases ng may kaugnayan sa mga missing sabungeros.
Ang PNP-CIDG HOTLINES ay 0960-6923025 at 0945-6115926, kung saan bukas ito 24/7 at iki-cater nito ang mga tawag sa buong bansa.
Bukod dito ay naglabas na rin ang CIDG ng posters na may larawan at posibleng lokasyon ng akusado na nilagay sa mga CIDG offices at sa mga matataong lugar sa buong bansa.
Ayon sa DILG at PNP, ang nasabing hakbang na ito ay para mapabilid ang paghuli sa nasabing pugante at para maibigay na hustisya sa lahat ng mga biktima at sa kanilang mga pamilya.








