TUGUEGARAO CITY-Nagsasagawa ng inspeksiyon ang PNP- Haighway Patrol Group sa ilang mga pook pasyalan sa Cagayan bilang paghahanda ngayong Semana Santa.

Ayon kay Police Maj. Rey Sales ng PNP-HPG Cagayan, na naghahanda na ang kanilang hanay para umalalay sa mga motoristang bibiyahe pauwi ng probinsiya at maging sa pagdagsa ng publiko sa mga pook pasyalan.

Kasabay nito, pinayuhan ni Sales na motorista na palagiang sumunod sa itinatakda ng batas sa lansangan upang masiguro ang kanilang kaligatasan.

Diumano dahilan ang Semana Santa upang makaligtas ang mga pasaway na drivers.

-- ADVERTISEMENT --