Hindi pa napapasok ng Philippine National Police (PNP) ang sinasabing underground bunker sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound na pinaniniwalaang pinagtataguan nina Apollo Quiboloy at iba pa nitong kapwa-akusado sa kasong child abuse at human trafficking.
Isang linggo na ang nakalipas nang ikasa ng mga pulis ang pagsakalay sa compound, pero hanggang sa ngayon ay bigo pa rin silang hanapin si Quiboloy.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, hindi pa makapasok sa underground facility ang mga otoridad dahil malalim ang pagkakahukay dito at hindi pa nahahanap ang mga entry point sa bunker.
Sibabi niya na ang nainspeksion pa lamang ng mga pulis ay ang mga umano’y lihim na lagusan sa mga gusali loob ng compound
Sa kasalukuyan, gumagamit na ng ground-penetrating radar at iba pang high-tech na kagamitan ang kapulisan upang mahanap ang KOJC leader.