Pinawi ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang pangamba ng publiko sa paglala ng mga pagpatay na kinasasangkutan ng riding in tandem kasabay sa pagpapatupad ng “No Helmet, No Travel Policy”.
Sa panayam ng Bombao Radyo, siniguro ni P/Lt. Rico Oñate, deputy chief ng HPG-Cagayan na mas magiging madali pa ang paghuli sa mga riding criminals dahil sa magiging mahigpit ang mga isasagawang checkpoint.
Sinabi ni Oñate na kailangan nang ipatupad ang sapilitang pagsusuot ng helmet sa mga motorcyle riders alinsunod sa Helmet Law na naisabatas noon pang 2009.
Mababatid na inalmahan ng karamihan ang implementasyon ng batas sa July 1 sa bisinidad ng Tuguegarao dahil sa mga insidente ng patayan na karamihan ay kagagawan ng mga riding in tandem na nakasuot ng helmet at bonnet.