TUGUEGARAO CITY-Nagbabala ang Internal Affairs Service o PNP-IAS-Cagayan sa mga miembro ng pulisya na nagsasanla ng kanilang automated teller machine (ATM)card.
Ayon kay Pcapt.Vanessa Calayan, Acting Chief ng PNP-IAS, maaaring maharap sa negligence of duty ang sinumang pulis na mahuhuling magsasanla ng kanilang ATM card.
Aniya, bahagi ng kanilang uniporme ang ATM kung kaya’t dapat lamang na ito’y pahalagahan.
Sinabi ni Calayan na bahagi sa kanilang ginagawang surprise inspection ang pagtiyak na hawak ng mga pulis ang kanilang ATM card.
Ngunit, sa kabila nito,nagbibigay naman ng konsiderasyon ang kanilang hanay kung saan kanilang ikinokonsidera kung ang kanilang ATM ay hawak ng kanilang asawa.
Samantala, sinabi ni Calayan na nagpapatuloy pa rin ang kanilang aktibidad para sa internal cleansing upang matiyak na walang miembro ng PNP ang maliligaw ng landas.