Iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang ulat na nag-uugnay kay Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac sa Chinese Communist Party (CCP).
Tugon ito ni PNP Chief Gen. Rommel Fracisco Marbil sa mga ulat na kumakalat na mga impormasyon sa social media platforms na ang pamilya ng Guo ay konektado sa CCP.
Sinabi ni Marbi na inatasan niya ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at the Intelligence Group (IG) na inmbestigahan ang lahat ng impormasyon na may kaugnayan kay Guo.
Batay sa sa post sa isang social media, malaking angkan umano ang pamilya ni Guo at mayroon pa sa Asia na mula sa Fujian.
Sinabi sa post na ang Fujian ay pugad ng front work ng CCP.
Inakusahan si Guo na may kaugnayan sa Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Bamban na sinalakay ng mga otoridad nitong buwan ng Marso dahil sa mga pinaghihinalaang illegal activities.
Kaugnay nito, sinabi ni Senate President Francis Escudero na hindi ititigil ang imbestigasyon ng Senado kay Guo.
Subalit, tinukoy niya ang ruling ng Supreme Court na ang burden of proof ay tungkulin ng nag-aakusa na dapat na ipatupad sa lahat ng kaso.