
Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang agarang pagtanggal ng lahat ng politically branded signages sa mga proyektong pinondohan ng gobyerno.
Ito’y alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Batay sa DILG Memorandum Circular No. 2026-006, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng pangalan, larawan, initial, kulay, o slogan ng mga opisyal ng gobyerno sa mga proyekto, programa, aktibidad, at ari-arian ng pamahalaan.
Pinalakas ito ng PNP sa pamamagitan ng isang memorandun
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., hindi dapat ginagamit ang pondo ng bayan para sa personal promotion ng sinumang opisyal at dapat manatiling neutral at proffesional ang serbisyo publiko.
Saklaw ng kautusan ang lahat ng uri ng materyales gaya ng tarpaulin, signboard, poster, at iba pang kahalintulad na display.
Babala ng PNP, mananagot sa batas ang sinumang lalabag sa direktiba.




