TUGUEGARAO CITY-Binalaan ng Philippine National Police(PNP) sa tinglayan ang mga barangay officials na bigong makiisa o makipagtulungan sa pagsugpo ng illegal na droga

Naniniwala umano si Police Captain Willy Dumansi,hepe ng PNP Tinglayan na may nalalaman ang mga residente sa tinglayan ukol sa plantasyon ng marijuana sa bulubunduking bahagi ng tinglayan.

Ayon kay dumansi, may mga palatandaan na may nagtatanim sa mga marijuana na sinisira ng mga otoridad dahil malinis ang palikid nito.

Dahil dito, nagbanta sa Dumansi sa mga brgy officials lalo na ang mga miembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na isusumbong niya ang mga ito sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Matatandaan, magkakasunod na pagsira ng mga otoridad sa plantation ng marijuana sa tinglayan partikular sa brgy Buscalan at Loccong.

-- ADVERTISEMENT --