TUGUEGARAO-Nakaalerto na ang PNP-Kalinga sa pagbabantay sa mga sementeryo sa nasasakupang lugar kasabay ng paggunita ng Undas.

Ayon kay PMAJ. Richard Gadingan, tagapagsalita ng PNP-Kalinga, mula kahapon, ay nai-deploy na ang mga PNP personnel sa iba’t-ibang sementeryo sa probinsiya.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan maging ang kapayapaan at katahimikan sa paggunita ng araw ng mga patay.

Pinayuhan naman ni Gadingan ang publiko na nagpaplanong bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal tulad ng patalim at iba.

Aniya, agad na kukumpiskahin ng kanilang mga personnel ang lahat ng mga ipinagbabawal ipasok sa loob ng mga sementeryo.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, nakatutok din ang kanilang hanay sa mga terminal dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga byahero pabalik at paalis ng kanilang probinsiya.