TUGUEGARAO CITY-Walang naireport na anumang aksidente sa daan bago at pagkatapos ng pagsalubong ng bagong taon sa probinsya ng Kalinga.

Ito ang sinabi ni Pcol Davy Vicente Limmong, director ng Kalinga-PNP, kasabay ng kanilang pagbabantay sa kanilang mga nasasakupang lugar nitong holiday season.

Ayon kay Limmong, ito ang kauna-unahang pagkakataon na walang naitalang nasugatan o naaksidente sa daan sa pagsalubong ng bagong taon.

Bukod dito, sinabi ni Limmong na zero firecracker incident din ang kanyang nasasakupang lugar.

Aniya,resulta ito ng mahigpit na kampanya ng probinsya ng Kalinga na huwag gumamit ng paputok kung saan ipinagbawal din ang pagbebenta ng paputok sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Limmong na tumaas ang bilang ng kanilang mga nahuhuli may kaugnayan sa illegal na droga kung saan umabot sa 62-76 na katao ang kanilang nahuli nitong nakalipas na taon.

Umabot din aniya sa P208milyon na halaga ng marijuana ang kanilang nasira sa sunod-sunod na kanilang operasyon kung saan mas mataas ito ng kalahating porsyente kumpara noong 2019.