Isinasapinal na ng Philippine National Police (PNP) ang deployment plans para matiyak ang seguridad sa mga aktibidad na planong isagawa sa kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Biyernes.
Nagsasagawa ng prayer rallies ang mga tagasuporta ni Duterte na humihiling para ibalik siya sa bansa mula sa The Hague, Netherlands, kung saan siya nakaditine at naghihintay ng paglilitis para sa umano’y crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, maglalatag sila ng security coverage para siguraduhin ang seguridad at kaligtasan ng mga dadalo sa nasabing aktibidad.
80 years old na si Duterte sa March 28.
Inaresto siya noong March 11 pagdating niya mula sa Hong Kong at dinala siya sa The Hague base sa warrant na inilabas ng ICC sa International Criminal Police Organization.