TUGUEGARAO CITY- Makikipag-ugnayan umano ang PNP Region 2 sa Department of Environment and Natural Resources upang malaman kung may mga paglabag kaugnay sa natagpuan na mga war materials sa karagatan ng Claveria, Cagayan kamakailan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PBGEN Crizaldo Nieves, director ng PNP Region 2 na ito ay dahil sa maituturing na hazardous waste ang mga nasabing war materials na kailangan ang proper disposal at hindi dapat na itinatapon sa karagatan.
Ayon kay Nieves na sumulat na rin ang PNP sa US embassy upang malaman kung saan galing ang mga nasabing war materials dahil may markings ito ng US.
Ito ay bukod pa sa ginagawa nilang imbestigasyon para malaman kung saan galing ang mga ito, kung sa Balikatan na ginawa noon sa Calayan o galing sa ibang bansa at naanod sa karagatan sa Claveria.
Matatandaan na nadiskubre ng mga mangingisda ang 24 na kahon na pinagsidlan ng US made warheads at rocket sa karagatang sakop ng Claveria.
Ang specific details ng mga narekober na pampasabog ay ang sumusunod:
LOT RHHE-6-MCA-67
NATIONAL STOCK NUMBER
1340-00-725-8382-H842
“00” code assigned to US bilang country of origin
warheads 2.75″ rockets
Warhead Model: M151,HE
Fuze Model: M427
Sa 24 na mga crates na narekober, 17 dito ay may markang inert,demo/practice warhead 2.75 inch rocket habang ang pitong iba na kaparehong size ay may markang (HE) high explosive at ang metal case ay may markang 20mm cartridge.
Nabatid na ang mga narekober na kontrabando ay negatibo sa explosives batay sa isinagawang pagsusuri ng PNP EOD Team.