Muling pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis sa one-strike policy laban sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni PNP acting chief Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., ang one-strike policy ay bahagi ng security measures para sa holiday season.

Binigyang-diin ni Nartatez na ang mga mapapatunayang pulis na guilty sa indiscrimanate firing ay mahaharap sa administrative sanctions at criminal liability batay sa mga nakasaad sa batas, na walang babala o ikalawang pagkakataon.

Ayon sa kanya, ito ay kinabibilangan ng dismissal from service at pagsasampa ng criminal cases.

Nanawagan din si Nartatez sa mga pulis na magsilbing ehemplo at iwasan na magsagawa ng walang habas na pagpapaputok ng baril sa Bagong Taon.

-- ADVERTISEMENT --