Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko laban sa patuloy na paglaganap ng cryptocurrency at iba pang online investment scams na patuloy na nakakahawa ng maraming biktima.

Batay sa ulat ng PNP Anti-Cybercrime Group, umabot sa 311 ang naitalang kaso ng investment scams mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2025, kung saan 12 rito ay may kinalaman sa cryptocurrency.

Karaniwang modus ng mga scammer ang mag-alok ng mataas na tubo at hikayatin ang biktima na mag-recruit ng iba.

Sa simula, maaaring payagang mag-withdraw upang makuha ang tiwala, ngunit kalaunan ay hindi na ma-access ang pera at account ng biktima.

Pinapayuhan ng PNP ang publiko na laging i-verify ang lehitimong status ng online investment platforms bago maglagak ng pera, maging maingat sa mga pangakong sobrang taas na kita, at huwag basta ibahagi ang personal na impormasyon o account details.

-- ADVERTISEMENT --

Mahalaga rin ang magtanong, mag-verify, at ipaalam sa pamilya ang karaniwang modus ng online scams upang maiwasan ang pagkakaloko.

Patuloy ang PNP Anti-Cybercrime Group sa pagbibigay ng kaalaman at gabay upang matiyak na ligtas ang publiko sa online financial transactions.