Nabigyan ng kabuuang P10.6 million ang informants ng Philippine National Police (PNP) bilang pabuya sa pagkakaaresto sa 30 wanted persons sa bansa.

Tinanggap ng informants ang kanilang bahagi sa pabuya sa isang seremonya sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Nakasuot ang informants ng itim na damit at tinakpan ang kanilang mga mukha para protektahan ang kanilang pagkakakilanlan.

Ang pinakamalaking halaga na ibinigay ay P5.3 million sa isang nag-iisang informant sa kanyang ibinigay na impormasyo noong Feruary 2023 na nagresulta sa pag-arasto sa suspect na wanted ng 74th Special Action Company para sa seven counts of murder at 25 counts of frustrated murder.

Ang pinakamababang halaga naman ay P50,000 sa isa pang informant na dahil sa ibinigay niyang tip ay nagresulta sa pagkakaaresto sa suspect na wanted ng Kalinga Provincial Intelligence Unit at Police Regional Office Cordillera dahil sa kasong double murder.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa ibinahagi na datos ng PNP, ang pinakamatagal na kaso ay ang pagkakaaresto noong October 2021 ng dalawang murder suspects ng Zamboanga Peninsula Regional Intelligence Unit (RIU), kung saan nakatanggap ang informant ng P150,000 para sa bawat isang naarestong suspect.

Sinabi ni PNP Director for Intelligence Maj. Gen. Wilson Joseph Lopez, ang pabuya ay sa ilalim ng kanilang intelligence fund at ang kanilang mga alokasyon ay inaprobahan ng Department of the Interior and Local Government.