Bantay sarado ng Philippine National Police (PNP) ang Mt. Samat National Shrine sa Bataan ngayong Araw ng Kagitingan.

Ayon kay PNP Spokesperson at Police Regional Office (PRO)-3 Director Brig. Gen. Jean Fajardo, pinaigting ang seguridad sa paligid ng dambana bilang paghahanda sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mangunguna sa seremonya ng pag-aalay ng bulaklak bilang pagkilala sa mga bayaning Pilipino at Amerikanong beterano ng World War II.

Ani Fajardo, sapat ang bilang ng mga pulis ang idineploy, at may koordinasyon na rin sa Armed Forces of the Philippines (AFP), lokal na pamahalaan, at iba pang ahensya para sa seguridad ng programa.

Bukas, gugunitain ang Araw ng Kagitingan bilang pag-alala sa pagbagsak ng Bataan noong 1942 at sa kabayanihan ng mga sundalong lumaban sa Bataan Death March.