
Nagpaabot ng pasasalamat ang Philippine National Police (PNP) sa publiko at sa lahat ng nakilahok sa rally dahil sa kooperasyon nito sa unang araw ng nagpapatuloy na tatlong araw na kilos-protesta.
Sa nilabas na pahayag ng ahensya, sinabi nito na kinilala nila ang kooperasyong ipinakita ng mga organizer, marshals, at mga pumunta sa rally para sa magandang daloy ng nasabing aktibidad.
Tiniyak din ng mga police personnel na dineploy sa buong Metro Manila ang pagpapanatili ng kapayapaan habang nirerespeto ang karapatan ng pagsasagawa ng pagtitipon kagaya ng rally.
Dahil dito, sa sama-samang kooperasyon ay naging maayos ang sitwasyon kahapon sa rally ayon sa PNP.
Samantala, tiniyak ng ahensya na nananatili silang nakatuon sa pagpapanatili ng seguridad at pagtulong sa publiko habang papasok pa ang susunod na dalawang araw ng programa ng mga kilos protesta.




