Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 15 na kaso ng indiscriminate discharge of firearms bago pa man ang pagsalubong sa Bagong Taon, kung saan 10 sa mga ito ay nasa kustodiya ng mga awtoridad kasunod ng mga insidente mula December 16 hanggang 29.

Kabilang sa 10 hinuli ang government personnel, isa ay pulis, ang isa naman ay kawani ng Bureau of Corrections, at ang pangatlo ay security guard, habang ang pitong iba pa ay pawang mga sibilyan.

Siyam na baril naman ang nakumpiska ng PNP.

Sa 15 na kaso ng indiscriminate firing, anim ang mula sa Calabarzon, apat mula sa National Capital Region, dalawa mula sa Central Visayas, at tig-isa sa Zamboanga Peninsula, Davao, at Cordillera Administrative Region.

Iniulat din ng PNP na apat ang nasugatan dahil sa indiscriminate firing habang ang isa ay tinamaan ng ligaw na bala.

-- ADVERTISEMENT --

Mayroon ding apat na insidente ng ligaw na bala.