Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 15 pagkamatay dahil sa pagkalunod sa Semana Santa.
Sa isang pahayag kahapon, sinabi ng PNP na ang mga namatay ay kinabibilangan ng walong menor de edad at walong pitong adults sa ilang rehion.
May dalawang nalunod na menor de edad sa Ilocos Region, tatlong adults sa Central Luzon, dalawang menor de edad sa Calabarzon, isang menor de edad sa Mimaropa, dalawang menor de edad sa Bicol Region, isang menor de edad sa Western Visayas, at isang adult sa Cordillera Administrative Region.
Una rito, nagpaalala si PNP chief Gen. Rommel Marbil sa mga resort operators at local government units na tiyakin ang kaligtasan ng mga bisita.
Sinabi niya na nakakalungkot ang mga nasabing insidente.
Dahil dito, umaapela siya sa lahat na huwag hayaan na walang kasama ang mga bata malapit sa mga ilog o dagat, magsuot ng life vests kung kinakailangan, at iwasan ang paglangoy sa mga lugar na walang lifeguards o safety supervision.